II. KATAWAN



Kasaysayan ng Anime




Pinagmulan ng anime



Ang anime ay bersyon ng mga Hapon sa animation. Naunang sumikat ang American animation tulad ng Walt Disney bago natamo ng anime ang katanyagan niya ngayon. Sa katunayan, ang “Snow White and the Seven Dwarfs” ay nakaimpluwensya sa mga animators ng Hapon, tulad ni Osamu Tezuka na inayon at pasimple ang mga tekniks ng mga Disney animation upang mabawasan ang gastos at bilang ng frames sa produksyon. Dumating ang punto ang market ng Anime ay lumaki at naging tanyag dahil sa kakaibang elemento na lumamang sa American animation. Ang naging pokus ng anime ay ang makatotohanagng emosyon, kakaibang personalidad at ang paglutas ng karakter sa suliranin; ang estilo ng pagkaguhit at kung paano nila inugnay ang mga episode na nagpapalalim sa pagkaunawa sa kwento.
Ang salitang anime ay pinaikling salitang animation at nangaling sa salitang Pranses na “l’anime”. Ang anime ay nagsimula noong 20th century nang nag-eksperemento ang mga Hapon na filmmakers sa mga estilo ng animation na unang simulan ng Pransya, Germanya, Estados Unidos, at Russia. Ang pinakamatandang anime ay ipinalabas noong 1917 na umaabot lamang sa dalawang minuto. Ito ay isang clip na tungkol sa isang samurai na nais subukang gamitin ang kanyang espada sa kanyang target, ngunit sa bandang huli siya ay nabigo at naging talunan.

Pagpapakilala ng anime sa Pinas


Ang Japanese anime ay nagsimula muna bilang picture card shows, mga street shows na gumagamit ng mga guhit kamay na nagpapakita ng anime art, sumunod dito ay ang manga, na literal na nangangahulugang aklat ng komiks; nang naglaon ay naging isang animation, na mas kinilala na anime. Noong 1964, sumikat ang Astro Boy ni Tetsuwan Atom sa Hapon na nagtamo rin ng tagumpay sa telebisyon ng Estados Unidos. Itinuturing na ang 1970s ay ang ginintuang panahon ng anime sa Estados Unidos, at sa iba pang mga bansa tulad ng Pilipinas. Ang may genre na “sci-fi space operas” tulad ng Voltes V, Star Blazers, Mazingerz, at G-Force ay unang nakatawag pansin sa mga batang Pilipino.
Ngunit nang nagmartial law sa bansa, ang mga anime pati na rin ang iba pang TV shows na may political na tema gaya ng Voltes V ay ipinagbawal ipalabas sa mga telebisyon. Ito ay pinalitan ng mga American cartoons tulad ng Looney Toons, Mickey Mouse Show, Scooby Doo, The Jetsons, and The Flinstones (Godinez and Rodriguez 2001)
Mga late 80’s at early 90’s magsimula manumbalik ang mga anime sa lokal na telebisyon ng mga Pilipino. Ang RPN 9, IBC 13, at ABC5 ay nagkaroon ng liisensya mapalabasa ng anime. Binalik ang Voltes V, Star Blazres, G-Force, at dinagdag din ang mga bagong anime tulad ng Dragon Ball Z at Sailor Moon S. kaya’t unti-unti na natukoy ng mga Pilipino ang pinagkaiba ng anime ng Hapon sa American animation (Osmond 1998, 13-15, 28)
Dahil sa mas naging papular na ang anime sa Pilipinas ay maraming networks ng telebisyon na napalitan ng mga anime ang mga tradisyunal na TV sitcoms. Nanguna sa tsart ng madalas na panuorin sa telebisyon tuwing primetime ang Ghost Fighter (Yu Yu Hakusho) at Flame of Recca (Recca No Honnou). Sumikat din ang mga animes tulad ng Ranma ½, Magic Knight Rayearth, Little Women II, Robotech, Zenki, Zorro, Slam Dunk, Yaiba, The Slayers, The Adventures of Huck Finn, Samurai X, Pokemon, Lupin III, Vision of Escaflowne, Digimon, Trigun, at Doraemon (Tanpoco 1997,10-11). Sumikat din ang Gundam Seed Destiny, Slam Dunk , Full Metal Alchemist, at Naruto dahil sa mga aral na tungkol sa pagkakaibigan, kalayaan, kahihinatnan sa bawat aksyon, pagkakaroon ng tiwala sa sarili, palalaban sa kung ano sa tingin mo ay tama, pagiging responsible, at pag-isip sa kapakanan ng iba.
Maituturing na tunay na katangi-tangi ang anime. Ang bawat episodes ay may kaugnayan na nakakatulong na magkaroon ng malilim na pag-uunawa ang manunuod. Kapansin-pansin din ang pangkahalatang itsura ng mga karakter Kadalasan ang mga babaeng karakter ay may malaking mata na nagpaparating ng iba’t ibang emosyon na makikita lamang sa komunikasyong di-verbal. Ang mga lalaki naman ay may mas maliit ngunit mas matalas na mata. Sa bawat kulay ng buhok, ekspresyon ng mata, kilos ng karakter at iba pa ay may katumbas na mensahe para sa manunuod. Pati na rin ang mga soundtarcks o mas kilalang J-Pop music ay naiibigan din ng mga manunuod.


Otaku Mania


Ang mga manunuod na may labis na pagkahilig sa anime ay tinatawag na Otaku. Sila ang madalas na nakikilahok sa mga Cosplays o ang pananamit ng paboritong karakter sa anime. Noong ika 14 ng Oktubre 2003, ibinalita ng Philippine Daily Inquirer ang pagtitipun-tipon ng mga Anime club sa Maynila. Lagpas isang daan miyembro ng mga Anime clubs ang lumahok sa “Anime on Ice Festivities”, na nagpapakita ng skating performance na nakasuot ng costume na anime. Ginaya ng mga kalahok ang paborito nilang anime karakters gaya ng sa Final Fantasy X2 si “Yuna” na ginaya ni Diana Lopez na nanalo ng unang gantimpala para sa “Best in Costume”. Ang batang lalaki na si Daryl Kim, na nanamit bilang si “Karin” mula sa lokal na anime “Dakilang Manggagawa”, ay napili ng mga hurado bilang “Best Anime Skater”. Ang mga ganitong patimpalak at gawain ay medyo tipikal na sa Pilipinas, ito ay kadalasang pinasisimulan ng mga sikat na palabas o programa sa media. Ang pagsali ng mga miyembro ng mga Anime clubs ay nagpapakita na anime ay isa sa mga paboritong “pastime” o libangan ng mga tao lalo na ng mga kabataan. “Self empowerment” at “self fashioning” kahit na nasa antas lamang siya ng pantasya ang naidudulot ng mga ganitong gawain.


Popo-Post Colonial


Ayon sa artikulo ng isang Philippine economic historian na si Yoshiko Nagano iminunungkahi niya na ang bansang Hapon ay may pagkakahawig pa rin sa Pilipinas sa politikal at cultural na aspekto. Tinukoy niya na ang pagkakahawig ay ung tinatawag niyang “post coloniality”. Ang post coloniality, batay sa pagpapakahulugan ng mga Hapon ay isang pagkamulat sa kasalukuyang panahon sa taliwas na paraan. Ang nararanasang post coloniality ng mga Hapon ay masasabing dual structure. Sila kasi ay nakikita ng mga Kanluranin bilang “iba” or “othered”, pero nakikita naman nila ang kapwa nilang Asyano bilang kasama dun sa sinasabing “iba”. Samakatwid, ang pinagkapareho ng Hapon at ng ibang Asyano kabilang ang mga Pilipino ay ang pag-uuri sa atin bilang “iba” ng mga Kanluranin sa proseso ng modernisasyon.

Presentayon ng mga datos

Madalas na na-iimpluwensyahan ng anime ay ang mga kabataan. Kaya naman minarapat ng mga mananaliksik na magsagawa na rin ng personal interview. Isa sa kanilang nakapanayam ay si Ma. Giovyline RaƱoa. Ayon sa kanya sa anime ay…

“binibgyan nila ako ng mga aral tungkol sa kahalagahan ng buhay at pagkakaibigan. Masasabi kong naturuan nila ako ng mga mabubuting bagay at humawak ang aking pilosopiya”

Dagdag pa rito, sumang-ayon siya nang itinanong ng mga mananaliksik kung sa panunuod niya may ina-apply siya sa tunay na buhay. Maliban pa dito, sinabi rin niya na

“ medyo nadidistinguish ko na ang realidad sa mundo ng anime, kasi naranasan ko na ang mga bagay na hindi ko naranasan dati ”

Ang ikalawang kinapanayaman ng mga mananaliksik ay si Jim Adrianne Alpa. Taliwas ang sinagot niya sa sinabi ni Giovy. Ayon naman sa kanya,

“not really, kasi for me, for entertainment lang talaga un. Kasi tingin ko ‘pag ginaya mo yung mga ‘yon, nagmumuka silang mga O.A.. Actually kahit ako nakokornihan sa kanila…”

Kinapanayaman rin nila si Deosa Genito, sabi niya ang anime ay nakapagpabago ng kanyang buhay. Ito ay ang kanyang inspirasyon. Mas pinalawak pa ng anime ang mga pananaw niya sa buhay. Ayon naman kay Jansen Chua, sa anime…

“nagpapakita na hawak natin ang ating tadhana at buhay na lahat ng bagay na gusto natin ay makukuha natin kung gagawin natin lahat ng magagawa natin”

Sa kabilang banda, ayon kay Shiela Anunciacion, natatanggal ng anime ang balakid na humaharang sa interaksyon ng mga lalaki at babae sapagkat kung parehas sila ng hilig na anime, sila ay makakapag-usap at makakapagtalakayan ukol dito.

Iba’t iba ang hilig, karanasan, personalidad, at mga opinion o pananaw ng mga tao. Upang malaman ng mananaliksik ang pulso ng mga kabataan, nagsagawa ang mga mananaliksik ng sarbey na kagaya nito:



Magandang araw! Kami ay mga studyante mula sa UST-College of Commerce na gumagawa ng research na may panukalang pahayag na “ang anime ay may positibong epekto sa mga manonood nito”
1. Mahilig ka bang manood ng anime?
o Oo
o Hindi


2. Ano sa tingin mo ang nagpapaespesyal sa anime?
o Appearance nang karakter(mga nangungusap na mata, fashion/pananamit,etc.)
o Storyline
o Soundtracks (musika)
o Characters’ real display of emotion
o Iba pa:


3. Nakakarelate ka ba sa mga scenes ng anime?
o Oo
o Hindi


4. Minsan ba nagsisilbing “comfort zone” sa iyo ang anime?(hal may problema ka sa pagibig, manunuod ka ba ng anime na may genre sa pagibig..)
o Oo
o Hindi


5. Sa panunuod mo ng anime, sa tingin mo, nagbibigay ito ng aral sa iyong buhay?
o Oo
o Hindi


6. Anu-ano ang kadalasang pinakanabibigay na aral ng anime?
o Tunay na kahulugan ng pagkakaibigan/friendship
o Teamwork/brotherhood/kapatiran
o Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
o Pagiging matatag sa mga pagsubok sa buhay
o Pagpapahalaga sa mga mahal mo sa buhay
o Iba pa:


7. Na-aaplika mo ba sa pang-araw araw mong pamumuhay ang mga aral na dinudulot nito?
o Oo
o Hindi


8. Nagsisilbi bang inspirasyon sa iyo ang anime?
o Oo
o Hindi

9. Sa papaanong paraan ang anime ay nagiging inspirasyon?
o Nagsisilbing motibasyon sa pag-aaral
o Nasusubukang palawakin ang imahinasyon
o Pinapalawak ang mga pananaw sa buhay
o Iba pa:


10. Sa pangkalahatan, satisfying ba ang anime para sa iyo?
o Oo
o Hindi


11. Naniniwala ka ba na ang anime ay kahit papaano tinatanggal ang diskriminasyon/pagugrupo-grupo ng kababaihan at kakalalakihan
o Oo
o Hindi


12. Naniniwala ka ba na ang anime ng Japan ay sumsalamin sa kulturang meron sila?
o Oo
o Hindi

Maraming Salamat sa pagbibigay mo ng oras sa pagsagot ng aming survey. God bless! :)

At batay sa mga nakalap na impormasyon, eto ang mga lumbas na resulta:










































Sa pagkalap ng mga datos 60% ang nagsasabing mahilig silang manood ng anime at 40 % naman ang hindi. Batay dito, nasasabi ng mga kabataan na ang storyline ang pinakanagpapaespeyaal sa anime, sumusunod naman ang appearance ng mga karakter, charcters’ real display of emotion at ang saklaw ng anime o genre. Nasabi din nila na nakakarelate sila sa mga storya ng anime. At sa nasasabing pagiging comfort zone ang anime ay 76% halimbawa na dito kung may problema sila sa pagibig nanonood sila ng anime na may genre tungkol sa pagibig at nagbibigay aral din ito sa kanila. Para sa mga nagsabi na nagbibigay ng aral sa kanilang buhay ang anime, ang pagiging matatag sa mga pagsubok sa buhay ang may pinakamataas na porsyento. Sumunod naman na aral ay ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan at pagkakaroon ng tiwala sa sarili, teamwork, brotherhood o kapatiran at ang pinakahuli ay ang pagpapahalaga sa mga mahal mo sa buhay. 69% ng mga manonood ng anime ay nakakapagsabi na nagsisilbing inspirasyon sa kanila ang anime. Sa nagsisilbing inspirasyon ang anime, ang pagpapalawak ng pananaw sa buhay ang pinaka nakuha nilang inspirasyon sa anime. Sumunod naman ang nasusubukan nitong palawakin ang imahinasyon ng mga manonood at nagsisilbing motibasyon sa pagaaral. At nasasabi nilang satisfying ang anime para sa kanila. 79% ang nagsabi na kahit papaano tinatanggal ng anime ang diskriminasyon o pagrupo-grupo ng kababaihan at kalalakihan at 90%.



4 comments:

  1. Ako po si Angelika Olgina,isang mag-aaral sa MORMS.Humihingi po ako ng pahintulot na kumuha ng detalye at impormasyon para sa aking ginagawang pananaliksik sa Filipino.Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  2. Magandang umaga po, humihingi po ako ng permiso na kukuha po kami ng mga detalye bilang batayan para aming ginagawang report tungkol sa mga epekto ng anime sa mga kabataan o manonood nito. Huwag po kayong mag-alala dahil ilalagay po namin ang inyong pangalan at website sa aming sanggunian. Maraming salamat po

    ReplyDelete
  3. Magandang umaga po, humihingi po ako ng permiso na kukuha po kami ng mga detalye bilang batayan para aming ginagawang report tungkol sa mga epekto ng anime sa mga kabataan o manonood nito. Huwag po kayong mag-alala dahil ilalagay po namin ang inyong pangalan at website sa aming sanggunian. Maraming salamat po

    ReplyDelete
  4. Hello po! Magandang araw, hihingi po sana ako ng pahintulot na makakuha ng idea sa pananaliksik na ito. Ilalagay ko po kayo bilang resources sa aking gagawing pananaliksik. Maraming salmaat po!

    ReplyDelete