III. PANGWAKAS




Sa masinsinang pag-aanalisa ng mga datos na nakalap, nalaman ng mananaliksik na karamihan sa mga kabataan ay nakakakuha ng positibong epekto sa panonood ng anime. May mga ilan na hindi sumang-ayon ngunit karamihan pa din ang sumang-ayon. Napagalaman ng mga mananaliksik na ang mga mga bagay na nakakapagpaespesyal sa anime ay ang storyline nito o ang daloy ng storya. Dahil dito, maraming kabataan ang nahihilkayat manood ng anime. Ang anime ay nagsisilbi ring “comfort zone” para sa mga kabataan. Ibig sabihin nito, kapag ang mga kabataan ay nalulungkot, nanood sila ng mga anime na may genre na may kinalaman sa problema nila at dahil dito kahit papaano ay naiibsan nila ang lungkot na kanilang dinadala. Minsan rin naman ay nagiging pampalipas oras nila ito, lalo na kapag wala silang magawa. Maraming porsyento ng mga kabataan na nagsasabi na may naituturong aral ang anime. Ang pangunahing aral na naidudulot ng anime sa mga kabataan ay ang pagiging matatag sa mga pagsubok sa buhay. Nakikita ng mga kabataan ang mga pagsubok na pinagdaanan ng mga karakter sa anime kaya naman naging inspirasyon nila ito, kung kaya ng mga ito na gumawa ng solusyon sa kanilang mga problema, syempre kakayanin din nila ito. Bukod sa mga aral na naidudulot nito, nagsisilbi din itong inspirasyon para sa kanila. Ang pagpapalawak ng pananaw sa buhay ang pinakadahilan ng pagiging inspirasyon ng mga kabataan. Ayon din sa sarbey, ang anime daw ay nakakatanggal ng diskriminasyon sa mga kababaihan at kalalakihan. Ang anime ay walang pinipiling “audience” o manonood nito kaya mapa-babae o lalake ay pwedeng tumangkilik dito. Isa pa ay napagbubuklod nito ang mga babae at lalake dahil pare-parehas lang silang nakakaintindi dito hindi kagaya ng mga ibang paksa.


KONKLUSYON

Ang anime ay parang isang package deal sapagkat kung susuriing mabuti nilalaman niya ang mga kultura, kasaysayan ng mga bansa na maaari mong ibahagi sa mundo. Hindi lamang nakapaghahatid ng aliw o comfort ang anime, ito rin ay nagbibigay kulay, aral, inspirasyon sa buhay ng manunuod nito. Sa sarbey na ginawa ng mga mananaliksik, kanilang napagtanto na kahit paghiwalayin nila ang mga mahilig manood sa mga di mahilig manood ng anime, kitang kita na may pinagkapareha pa rin sila sa opinyon. Ang opinyong tinutukoy na nagkapareha ay ang karanasan ng pagkarelate ng manunuod sa anime, ang anime bilang isang “comfort zone”, pagkatuto ng mga aral at pagkakuha ng inspirasyon mula sa mga ito. Mahalaga ang boses ng kabataan, kaya’t sila ay kanilang pinakinggan. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang iba’t ibang hilig, opinion, at karanasan maliban sa mga maling pag-unawa o konotasyon, ay isa rin sa mga salik na nakaka-apekto sa pagtukoy kung ang panunuod ng anime ay mabuti o nakakasama. Disiplina ang kinakailangan sa panunuod ng anime. Hindi naman likas na negatibo ang dulot ng anime sa katunayan positibo pa nga ang naidudulot nito lalo na sa mga kabataan. Tunay nga na ang anime ay may positibong epekto sapagkat kitang kita na kahit may ilang kabataan ay hindi nanunuod ng anime nababatid pa rin nila ang mga positibong epekto nito sa mga taong nanunuod ng mga ito. Naging implikasyon din ng pag-aaral na ito ang pagiging epektibo ng anime. Kung ang anime ay nakakapagdulot ng mga positibong epekto sa mga manunuod nito, ibig sabihin epektibo ito. Subalit, kung ito naman ay nagdudulot ng masamang epekto, hindi ito epektibo dahil hindi maganda ang dulot nito sa mga manunuod lalo na sa mga kabataan.


REKOMENDASYON




Masarap manood ng anime hindi ba? Bukod sa na-aaliw ka na, marami ka pang matututunan sa panonood nito, mga leksyon sa buhay, mga pagkakaibigan at iba pang magagandang bagay na dapat matutunan. Base sa mga natututunan natin ay maibabaon natin ito sa pang araw araw na buhay. At mula sa mga aral nito “we could become a better person” ika nga. Ooopppsss!!! Maghinay-hinay ka lang. Hindi porkit nasabi ng mga mananaliksik na may positibong epekto ang anime ay magbababad ka na sa inyong telebisyon at lalong manood ng manood ng anime. Laging tandaan na kung merong positibong epekto syempre meron din itong negatibong epekto. Dapat tayong maghinay-hinay sa panonood ng mga anime. Hindi lahat ng ito ay may magandang dulot sa atin. Dapat alam natin ang tama at mali nito at may disiplina tayo sa ating sarili.



Para sa mga kabataan:

Habang nanonood kayo ng anime dapat may patnubay pa rin kayo mula sa inyong mga magulang. Mas pagtuunan niyo ng pansin ang inyong pag-aaral. Huwag niyong uunahin ang panonood ng anime. Nasa kamay niyo pa rin kung hahayaan nyong maging masamang impluwensya sa inyo ang anime o magiging mabuting ehemplo ito. Nawa'y maging inspirasyon sa inyo ang mga anime pero huwag ninyong hahayaan na lamunin nito ang inyong pagkatao at umabot sa punto na lahat ng ikinikilos niyo ay sumasalamin sa mga ginagawa ng mga karakter sa anime. Nakasalalay pa rin sa inyong kamay ang pagpapatakbo ng inyong buhay. =]

Para sa mga magulang:

Kung ang inyong mga anak ay may masidhing pagkahumaling sa anime, obserbahan ang mga ito. Kung nakakasama na sa kanila ang panonood nito, siguro panahon na upang kontrolin ninyo ang panonood ng inyong mga anak. At sya nga pala. Hindi lang pambata ang anime, kaya kung gusto ninyo ay sabayan niyo ng panonood ang inyong mga anak at matutuklasan niyo din ang kanilang natutuklasan. Hindi lang kayo na-aaliw, may instant bonding pa kayo! :)

Para sa ibang tao na hindi kabataan at hindi magulang:

Masayang manood ng anime. Subukan ninyo at makikita ninyo. :) at syempre wag kaligtaan ang mga panuntunang binigay namin upang maging epektibo ang panonood ng anime. :)

Maligayang panonood sa inyo!

3 comments:

  1. magandang umaga po magpapaalam lang po sana ako na kung maaari ay gamitin ko itong inyong thesis bilang kaugnay sa literatura nga aming thesis na ginagawa, ako po ay isang mag-aaral ng baliuag university

    ReplyDelete
  2. Magandang araw! Ako po'y humihingi ng pahintulot sa inyo na kumuha ng idea para po sa gagawin kong pananaliksik. Maraming salamat po!

    ReplyDelete
  3. Magandang araw po ako po ay humihingi ng pahintulot sa inyo na kung pu'pwedi kopo hiramin ang ibang ditalye ng inyong gawa para sa aming thesis na ginagawa sana po'y maunawaan niyo MARAMING SALAMAT PO

    ReplyDelete