Pagsusuri ng mga anime

Naruto
Ang palabas na ito ay nagsisimula sa isang batang nagngangalang Uzumaki Naruto na nagtataglay ng kapangyarihan ng Kyuubi(Nine Tailed Fox) na nakakulong sa kanya. Labing dalawang taon bago magsimula ang palabas, inatake ng Kyuubi ang bayan ng Konohakagure kung saan nagdulot ng malaking pinsala sa bayan at sa kabalikang reaksyon, inisakripisyo ng ikaapat na Hokage(lit. Fire Shadow – leader of the village) ang kanyang buhay para maikulong ang Kyuubi sa katawan ng batang si Naruto ngunit sa pagkakaalam ng mga taong bayan na mismong si Naruto ang Kyuubi kaya’t nagkakaroon ng maling trato sa kanya ngunit sa pagpapatuloy ni Naruto para hanapin ang kahalagahan niya sa buhay ay nagkaroon siya ng mga kaibigan at dito nagpapatuloy ang kanyang storya.


Ang inspirasyong maaaring maidulot nito ay ang mga sumusunod: motibasyon sa pagaaral, motibasyon para makamit ang pinapangarap, pananatiling buhay ang pag-asa, hindi agad sumusuko sa mga pagsubok sa buhay, at pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay. Makikita mula sa storyline na ito na mula sa kultura at kasaysayang sinasalamin ng anime, nadadagdagan ang pagkamulat sa ibang kultura at terminolohiya. Ang nakakaaliw na elementong mayroon dito ay ang pagkakaguhit. Ang kapaligiran ay nakalapat sa panahon ng mga ninja na siya rin parte o bahagi ng kasaysayan ng Hapon.

Slam Dunk


Ang anime na Slum Dunk ay umiikot sa buhay ni Hananmichi Sakuragi, isang basagulero at pinuno ng isang gang. Si Hanamichi, bilang hindi popular sa mga babae, ay nabasted o umuwing luhaan at sugatan ang puso ng limampung beses. Kahit ganito ang nangyari, napagtanto niya na si Haruko Akagi ang babae ng kanyang mga panaginip, at Masaya siya na hindi natatakot sa kanya si Haruko. Napansin kaagad ni Haruko na may kakayahan si Sakuragi sa pagiging atletiko kaya naman pinakilala niya ito sa Shohoku basketbol team. Si Hanamichi ay padalos-dalos na sumali sa basketbol kahit na wala siyang karanasan dito. Kahit na isip bata at medaling uminit ang ulo niya, pinatunayan pa rin niya na isa siyang henyo sa basketbol. Ginawa niya ito para humanga sa kanya si Haruko. Si Kaede Rukawa naman ang madalas na karibal ni Hanamichi. Isa siyang star rookie at kaya niyang magnetin ang mga babae. Sila ay nasa pangangalaga ng kanilang kapitan na si Takenori Akagi. Pangarap ni Akagi na maging National Champion ang Shohoku. Ginawa ng Shohoku team ang lahat ng magagawa nila kaya naman naging all star contender sila ng Hapon.Mula sa anime na ito masasaksihan ng pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura. Ang konsepto ng basketbol ay mula sa mga Amerikano. Ang kapaligiran ng mga iksena, itsura ng mga tauhan ay may hawig sa Amerika. Ang itsua ni Akagi na nagmumukha siyang Black American, ang mga pambubuli, pati na rin ang cheerleading squad ay kitang kita may impluwesnya rin sa mga Hapon sa kultura ng Amerikano. Kapansin pansin na ang mga tao ay sawa na sa pagnunuod ng live na basketball. Mas nais ng mga Pinoy namaantig ang kanilang mga natatagong damdamin.


Full Metal Alchemist



Ito’y isang kwento tungkol sa dalawang magkapatid na nangangalang Edward at Alphonese Elric. Sila ay naglakbay upang mahanap ang Philosopher’s Stone upang maibalik ang kanilang dating mga katawan na sanhi ng kanilang tangkang ibalik ang kanilang ina sa pamamagitan ng alchemy. Si Edward ay naging isang state alchemy upang makalap ang mga impormasyon tungkol sa Philosopher’s Stone. At ng sila’y nalalapit na sa pagkamit ng bato ay nalaman nila na kailangan ng sakripisyo ng tao para mabuo ang kompletong Philosopher’s Stone. Dahil sa nag-aalangan sila na ituloy ay nagpasya ang mga homunculus na ipilit na gawin ni Edward ang bato. Sa huli ay naibalik ni Edward ang katawan ni Alphonse ngunit nawala ang kanyang alaala sa mga paglalakbay nila ni Edward. Si Edward naman ay napunta sa ibang lugar at ang lugar na iyon ay ang totoong mundo.Ang positibong dulot nito ay nagsasaad ng pagmamahalan sa kapamilya, pagrerespeto ng mga disisyon, pagpupursigi sa mga nais o pangarap, pagbibigay halaga sa mga kapatid, pagsasakripisyo nga sariling kasiyahan kapalit ng sa iba at ang pagtanggap ng mga pangyayaring masaklap sa buhay. Sa anime na ito binigyang diin ang tinatawag na “Law of Equivalent Exchange”, na nagsasaad na ang lahat ng bagay ay may kapalit. Bukod dito, ang pangunahing temang dama sa buong palabas ay ang kahalagahan ng buhay sapagkat naniniwala ang tauhan sa kwento na sina Ed at Al na hindi kayang ibalik ng alchemy ang buhay ng namayapa na. hindi maaari o hindi kayang labagin ng siyensya ang patakaran ng kalikasan. Ang takbo ng nakaraang kasaysayan naman ay naipakita sa movie version ng FMA na pinamagatang “The Conqueror of Shambala”.


Gundam Seed Destiny


Ang Gundam Seed Destiny ay tungkol sa lalaking nagnangalang Kira Yamato, isang pangkaraniwang tao na aksidenteng naging piloto ng GAT X105 STRIKE. Ang tanging dahilan ng kanyang pakikipaglaban ay para protektahan ang kanyang mga kaibigan. Sa katunayan, sa gitna ng laban nakipaglaban siya sa kanyang kaibigan at isa rin kababata na si Athrun Zala. Halos ikamatay na nila ang kanilang pagtutunggali. Ngunit pagkatapos ng pangyayari natanong niya sa kanyang sarili bakit nga ba siya nakikipaglaban. Nang natuklasan na niya ang tunay na dahilan ng kanyang pakikipaglaban, pumunta siya sa Earth para pigilan ang digmaan, at mapigilan rin ang pagdanak ng dugo ng mga inosenteng buhay. maisasakatuparan niya ang kanyang misyon sa tulong ng kanyang bagong mobile suit na tinatawag na ZGMF X10A FREEDOM. Gamit ang suit na ito hindi na siya makakapatay. Pagkatapos ng giyera sa outer space sa Yah King Duei, ang dalawang pwersang naglalabanan ay nakasundo rin sa pamamagitan ng isang peace treaty agreement.


Ang mga matututunan at epekto ng mga matutunan mula sa anime na ito ay ang mga sumusunod: ipaglaban ang mga pinaniniwalaan tama,mas pinapatibay ang mga prinsipyo sa buhay, natututo maging independent,hindi lahat ng mga bagay na nakikita o naririning ay palaging totoo, para makamtan ang isang bagay at may kaukulan itong kapalit, ang problema ay hindi maaaring takbuhan, ang pagsasakripisyo ng buhay para sa nakararami ay hindi isang kalokohan, at pag-isipang mabuti ang isang desisyon.

3 comments:

  1. Kami po ay mag aaral ng Fort bonifacio High school, Maari po ba naming gamitin ang inyong pananaliksik para saming tesis Maraming salamat po sa pag papahintulot nyo God bless

    ReplyDelete
  2. Hello po ako po si Andre Aguila, manghihiram lang po ako ng ilang impormasyon at detalye sa inyong pag-aaral para sa aming pananaliksik. Ako po ay nagmula sa Apec Schools Espanya. Maraming salamat po!

    ReplyDelete
  3. Hello po! Ako po si Jezabel Espila, humihingi po 'ko ng pahintulot na kumuha ng idea para po sa aking ginawang pananaliksik. Maraming salamat po! Ilalagay ko po inyong pangalan bilang resources

    ReplyDelete